By: Mr. Louie C. Garcia, Reporter, DZIQ Radio Inquirer
|
Senator Ralph Recto |
Hindi lamang basta mga mahihirap, kundi ang mga may kapansanang mahihirap ang nais ni
Senator Ralph Recto na unahin ng gobyerno sa talaan ng mga dapat makinabang sa conditional cash transfer program ng Aquino administration para sa susunod na taon. Ayon kay senator recto, sa mga nakalipas na panahon at administrasyon ay hindi masyadong nabigyan ng prayoridad ang mga may kapansanan kung kaya’t ito na ang tamang panahon para ang mga bulag naman na walang makain at mga lumpo na walang maitustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak ang dapat unahin para makinabang sa programang ito ng pamahalaan. Iginiit pa ng senador na ang mga pamilyang mahihirap na may kasamang may kapansanan ay lalo pang naghihirap kung kaya’t dapat lamang na tulungan ng gobyerno. Sinabi ni recto na hindi na mahihirapan department of social welfare and development na hanapin ang mga may kapansanang nangangailangan ng tulong dahil nakaparami nito sa paligid. Aabot sa tatlumpung bilyong piso ang inilaan ng gobyerno para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung saan nakapaloob ang conditional cash transfer na pakikinabangan sa susunod na taon.
*Uploaded with permission from DZIQ, Radio Inquirer *Acknowledgments to Mr. Lito Laparan, DZIQ News Desk Chief
=========
0 comments:
Post a Comment