The Autism Society Philippines (ASP) is a national, non-profit organization dedicated to the well-being of persons on the autism spectrum disorder. We envision a society where Filipinos on the spectrum become the best of their potentials -- self-reliant, independent, productive, socially-accepted citizens of an Autism-OK Philippines.

13 September 2011

ASP Balayan Chapter Conducts FSG

Sinulat ni Gng. Reggie Hernandez, Pangulo at mga kasapi ng ASP Balayan Chapter


Dahil sa pagmamahal at malasakit ni Ma’am Janette Peña, ASP Bacoor Chapter President ay nagkaroon ng Family Support Group (FSG) dito sa Balayan West Central School, Balayan, Batangas noong ika-17 ng Agosto. Siya ang nagbigay sa amin ng kaalaman at kalakasan para tanggapin, mahalin at alagaan ang aming mga anghel (batang may autism) na ibinigay ng Diyos sa amin. Halos 30 mga magulang at guardians ang dumalo sa FSG. Sa umpisa pa lang ay marami na ang nakilahok at nagtanong. Ang ilan sa kanila ay nagnanais malaman ang mga pamamaraan ng tamang pag-aalaga sa kanilang mga alaga at mga anak. May ilang magulang at guardians ang nagbahagi ng kanilang karanasan at ang ilan naman ay nagtanong ng pamamaraan kung paano nila lubos na nauunawaan ang mga ugali at kilos ng kanilang mga anak. Ibinahagi rin ni Ma’am. Peña ang kanyang sariling karanasan at pamamaraan sa pagpapalaki sa kanyang anak na si Muneer, labing limang taong gulang na may autismo.
Ma’am Janette Peña, Pangulo ng ASP Bacoor Chapter ang nanguna
sa Family Support Group (FSG) sa Balayan West Central School,
Balayan, Batangas noong ika-17 ng Agosto

Gng. Reggie Hernandez, Pangulo ng ASP Balayan Chapter ay nagbahagi
ng kanyang mga karanasan sa kanyang apo na si Archie Abin

Sa kabuuan ay naging masaya at makabuluhan ang FSG para sa aming lahat. Naging mahalagang paalala sa aming mga magulang na dapat magtitiwala sa Diyos, tunay na pagmamahal at pagtanggap ang siyang susi upang mapalaki namin ng maayos at masaya ang aming mga anak. Ang mga espesyal na Batang ito ay totoong mga anghel na ipinadala sa atin ng Diyos. Nagpapasalamat din kami sa ating Panginoon na ipinadala nila si Ma’am Jan Peña at sa ASP na aming naging inspirasyon at kalakasan.

Maaring makipagusap kay Ms. Regina Hernandez, Pangulo ng ASP Balayan Chapter sa numerong 0927-789-9759.

-------

Be an Angel for Autism. Donate generously to ASP Programs and Services. Donate to Autism Society Philippines Metrobank Kamias Branch 047-3-04751874-2. Email us at autismphils@gmail.com or call 7-903-5496.

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Sweet Tomatoes Printable Coupons