The Autism Society Philippines (ASP) is a national, non-profit organization dedicated to the well-being of persons on the autism spectrum disorder. We envision a society where Filipinos on the spectrum become the best of their potentials -- self-reliant, independent, productive, socially-accepted citizens of an Autism-OK Philippines.

22 December 2021

ASP National President Mona Veluz, Christmas Message 2021

The image shows Ms. Mona Veluz an Autism Society Philippines National President having photo taken in front of ASP Hugot Wall wearing green attire.
Mona Magno-Veluz
Hello po sa inyong lahat!

Naka isang taon na naman po ang Autism Society Philippines. Bilang isang pamayanan na binubuo ng mga pamilya, marami po tayong paghihirap na nadaanan ngayong taon. Mahirap kumita, hindi tayo makalabas, nasa bahay ang mga bata, hindi makapasok sa eskwela, walang therapy, kulang sa socialization. Pero dahil na rin sa pinag kaloob sa ating lakas, tayong mga pamilyang may kaanak na may autism, nkakaraos tayo. Laban lang!

Ngayong pandemya, talagang lumalabas ang galing ng mga magulang, mga kuya't ate, mga tito't tita, mga lolo't lola, na nagpapalibot sa atin ng pagmamahal para tuluy-tuloy ang pag ganda ng kalagayan nating lahat.

Sa ASP, wala man tayong face-to-face events, tuloy ang mga virtual monthly seminars, family support groups at ASP Homepowertment trainings, counseling and therapies. Bonggang-bongga ang ASP PweDay na nagbibigay saya sa mga kabataan may autismo bawat sabado. Ang ASP AutisMALL na tumutulong sa kabuhayan ng ating mga pamilya at ang ASP Autism Works na rumarampa para makahanap ng pang matagalan trabaho para sa mga taong may autismo na handa na.

Hindi rin po nawala ang pag-katawan ng ASP sa Pilipinas, sa ASEAN Autism Network at sa ASEAN mismo. Tuluy-tuloy po ang pag-wagayway naten ng bandilang Pilipino sa ASEAN. Bilang isang halimbawa ng effective na community driven and family centric advocacy.

Salamat po sa mga chapters na sukdulan ang kayod para tumulong sa mga members naten, para ramdam pa rin nila na katuwang nila ang ASP. Kahit maraming ginagawa at pinagkakaabalahan ang gobyerno, salamat po sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa LGU para mabakunahan ang mga gustong magpabakuna at para kasama pa rin ang mga issues ng ating mga pamilya sa pagpaplano ng direksyon ng mga lungsod at bayan sa 2022 at lagpas pa.

Ngayong Pasko, sana po masarap ang ulam ninyo, sana masaya, malusog at ligtas ang mga mahal ninyo sa buhay. Let us continue to join hands in inspiring acceptance, accommodation and appreciation of the Filipinos on the spectrum and in building a genuinely autism-ok society.

On behalf of the hardworking leadership and staff of Autism Society Philippines, and my family, happy holidays!

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Sweet Tomatoes Printable Coupons