Napakahalaga ng tamang pagtuturo sa bahay sa pag-unlad ng ating mga anak na may autismo. Kaya’t ang Autism Society Philippines ay muling maglulunsad ng training para sa mga magulang at tagapag-alaga tungkol sa tamang pagtuturo at pag-aaruga sa kanilang mga anak sa tahanan.
ASP HOMEpowerment poster |
Layunin ng Autism Society Philippines Homepowerment Program na mabigyan ng kakayahan ang mga pamilya, lalo na yung hirap tustusan ang regular na pag-therapy ng kanilang mga anak, na gawin ang nauukol na pagtuturo at therapy sa bahay.
● training para sa mga magulang at taga pag-alaga ng mga batang may Autism Spectrum Disorder
● libreng Occupational at Speech and Language assessment at Home Program sa mga piling pamilya ng mga batang 8 taon pababa (as of January 2024)
● mentoring (1 on 1) sa pagpapatupad ng Home Program sa mga napiling pamilya.
Lahat ng REGULAR na miyembro ng ASP ay maaaring sumali sa online trainings and workshops. Kinakailangan na mayroong malakas na signal ng internet sa lugar nila at cellphone o computer, para makasama sa online sessions. Maaaring magpahiram ang ASP ng prepaid modem sa mga piling pamilya na walang postpaid internet sa bahay.
● mga anak ng regular members ng ASP na may diagnosis ng ASD
● 8 taong gulang pababa as of January 2024
● ang mga magulang o’ primary caregiver ay may sapat na paninindigan at kakayanang ipatupad ang programang imumungkahi sa kanila.
● ang mga magulang o’ primary caregiver ay nakadalo sa lahat ng training sessions at nagawa ang mga assignment sa workshop.
Ang training workshops ay bukas sa lahat ng regular na miyembro ng ASP, anumang ang edad ng kanilang anak. Bagamat nakatuon ang training modules para sa early intervention programs, maaari pa rin makatulong sa lahat ng edad ang strategies na pag-uusapan.
May hindi kukulangin sa 10 modules ang training-workshops. Ito ay gaganapin minsan sa isang linggo sa oras at araw na pinakamainam sa mga registered trainees. Bawat session ay tatagal ng mga 2 oras. Maaaring may takdang gawain pagkatapos ng mga workshop.
Bawat mapiling beneficiary ng libreng therapy sessions ay magkakaroon ng hindi kukulangin sa 6 na session ng Occupational Therapy at 6 na session ng Speech therapy. May isang session ng Case Team Conference kung kailan ipapaliwanag ng OT/SLP sa mga magulang/tagapag-alaga at mga parent-mentors ang kanilang Home Program.
● matukoy ng therapist ang kakayahan ng bata
● matukoy ang pangunahing pangangailangan ng bata
● pinakamabisang paraan ng pagtuturo sa bata (teaching strategy)
● turuan ang mga magulang kung paano ipatupad ang home program
0 comments:
Post a Comment