The Autism Society Philippines (ASP) is a national, non-profit organization dedicated to the well-being of persons on the autism spectrum disorder. We envision a society where Filipinos on the spectrum become the best of their potentials -- self-reliant, independent, productive, socially-accepted citizens of an Autism-OK Philippines.

20 January 2026

Autism Society Philippines HOMEpowerment Program 2026 Batch 1

Napakaraming impormasyon, paraan ng pagtuturo na makukuha sa internet at sa mga seminar tungkol sa autismo. Ngunit kadalasan, nakakalula at hindi natin ito magawa sa ating mga tahanan.

Kaya’t ang Autism Society Philippines ay muling maglulunsad ng Homepowerment Program – na hindi lamang magbibigay ng kaalaman sa mga epektibong paraan ng pagtuturo sa ating mga anak sa bahay, magbibigay din ng indibidwal na gabay sa magulang at tagapag-alaga kung paano ito i-akma sa sarili nilang anak.

Layunin ng ASP Homepowerment Program ang mabigyan ng kakayahan ang mga pamilya, lalo na yung walang access sa regular na therapy na gumawa ng kaukulang intervention ang anak sa bahay.

Ang Homepowerment Program ay nagbibigay ng:
● training para sa mga magulang at taga pag-alaga ng mga batang may ASD
● libreng Occupational at Speech and Language assessment at Home Program sa mga kwalipikadong pamilya
● gabay (individualized parent mentoring) sa pagpapatupad ng Home Program.

Ang mga Training, mentoring at therapy ay gagawin online.

Sino ang mga maaaring sumali sa Homepowerment Program?
Lahat ng regular na miyembro ng ASP ay maaaring sumali sa online trainings at workshops.
Kinakailangang may malakas na signal ng internet sa lugar nila. Maaaring magpahiram ang ASP ng prepaid modem sa mga piling pamilya na walang postpaid internet sa bahay.

Para sa libreng OT at ST assessment at Home Program, maaaring sumali:
● mga anak ng regular members ng ASP na may diagnosis ng ASD
● bibigyan ng prayoridad ang mga batang 8-gulang pababa (as of January 2026)
● ang mga magulang ay nakadalo sa lahat ng training sessions at nagawa ang mga assignment sa workshop.

Para mag-apply sa Homepowerment Program, sundan ang link na ito at ibigay ang mga hinihinging  impormasyon. Hintayin ang email o’ mensahe mula sa ASP. 

Madalas tanungin:

Sino ang maaaring sumali sa mga training workshops?
Ang  training workshops ay bukas sa lahat ng regular na miyembro ng ASP anumang edad ng kanilang anak may autismo. Bagamat nakatuon ang training modules sa early intervention programs, maaaring makatulong pa rin sa lahat ng edad ang mga stratehiyang tatalakayin.

Ang mga dumalo sa mga training ay bibigyan ng pagkakataong magtanong at makatuklas ng nauukol na estratehiya na makakatulong tugonan ang ilang pangangailangan ng kanilang anak.

Kung nais lumahok sa training ay mag-register dito (https://form.jotform.com/202191473333449) para mabigyan ng schedule at link sa training. Ang registration period ay mula Enero 20 hanggang Pebrero 10, 2026 lamang.

Ilan at kailan ginagawa ang mga training?
May hindi kukulangin sa 10 modules ang training-workshops. Ang live training sessions ay tuwing Sabado mula alas-5 ng hapon hanggang 7 ng gabi. Ngunit maaaring panoorin ang recorded sessions sa website ng ASP sa ibang oras at araw.

Ilan ang libreng therapy sessions na ibibigay ng Homepowerment?
Bawat mapiling benepisaryo ng libreng therapy ay magkakaroon ng 1 o dalawang assessment session, 6 na session ng Occupational Therapy at 6 na session ng Speech therapy. Sa huling session gaganapin ang  Case Team Conference kung saan pag-uusapan ang Home Program.

Ang pinakalayunin ng therapy sessions ay:
● matukoy ng therapist ang kakayanan at pangangailangan ng bata
● matukoy ang pangunahing pangangailangan ng bata
● pinakamabisang paraan ng pagturo sa bata
● turuan ang mga magulang kung paano ipatupad ang mga activities sa baha

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | Sweet Tomatoes Printable Coupons